Saturday, November 19, 2016

Wikang Filipino sa Telebisyon




TELEBISYON

>ay isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapayahag at pagtanggap ng mga gumagalaw ng mga larawan at tunog sa kalayuan. Naging patungkol sa lahat ng aspeto ng programa at pagpapadalang pang-telebisyon ang katagang ito.

>ay may malaking papel na ginagampanan sa pag-unlad ng Bokabularyong Pilipino sapagkat ang mga nauusong mga salita sa iba't ibang palabas ay dumadagdag o itinutuing na bahagi ng Bokabularyong Pilipino. Sa madaling salita, ang mga wika mula sa telebisyon ay may malaking ginagampanan sa bokabularyong Pilipino.



>Ang telebisyon sa Pilipinas ay gumagamit ng lingua franca o pinaghahalong tagalog at ingles upang mas maintindihan ng mga manonood ang mga impormasyon at mensahe na kanilang hatid.




Kasaysayan ng Telebisyon


        Iminungkahi at ipinatente ni Paul Gotllieb Nipkow ang unang sistema na ang telebisyon na elektromekanikal noong 1884. Sumulat si A. A. Campbell Swinton sa Nature noong 18 Hunyo 1908 at tinalakay ang kanyang konsepto tungkol sa telebisyong elektroniko na ginagamit ang tubo ng sinag ng cathode na inimbento ni Karl Ferdinand Braun. Nagbigay siya ng panayam tungkol dito noong 1911 at nagpakita ng mga diyagrama ng sikristo. 
            Sa simula pa lamang, ang mga signal pantelebisyon ay ipinapamahagi bilang telebisyong panlupa, gamit ang malalakas na frequency upang magpasahimpapawidng signal sa mga indibidwal na tagatanggap telebisyon. Bilang kahalili, ang mga signal pantelebisyon ay ipinapamahagi gamit ang kableng co-axial o optical fibre, mga sistema ng satellite, at ng internet. Bago pa noong unang bahagi ng taong 2000, ang mga ito ay ipinapahatid bilang mga signal na analog, pero ang mga bansaay sinimulang gumamit ng digital, ang pagbabagong ito ay inaasahang makumpleto para sa buong mundo sa huling bahagi ng ika-21 dekada. Ang isang pamantayang set ng telebisyon ay kinabibilangan ng maraming panloob na electronic circuit, kasama na rito ang apinador upang makatanggap at makabasa ng inihatid na signal. Ang isang aparatong nagpapahayag pangmata na walang apinador ay nararapat na tawaging monitor na bidyo lamang at hindi telebisyon.   

        Ang pagdating ng telebisyong digital ay nagpahintulot ng mga likha tulad ng  mga Smart TV. Ang Smart TV, kung minsang tinatawag ding kunektadong TV o hybrid TV, ay set ng telebisyon na isinama ang internet at ang mga katangian ng Web 2.0, at isa itong halimbawa ng tagpong teknolohika sa pagitan ng mga kompyuter at mga set ng telebisyon. Bukod sa mga tradisyunal na nagagawa ng mga set ng telebisyon na itinakda sa pamamagitan ng tradisyunal na panghatid pangmasa, ang mga aparatong ito ay kaya ring maghandog ng internet sa TV, interactive na paghahatid online, mas maganda kaysa sa inaasahang nilalaman, pati na rin paagos na paghahatid impormasyon na kinakailangan, at saka daan upang makapaghatid impormasyon sa tahanan. Ang isang aparatong nagpapahayag pangmata na walang apinador ay nararapat na tawaging bidyo monitor lamang at hindi telebisyon.

nakuha sa https://tl.wikipedia.org/wiki/Telebisyon


Unang Kritiko: Positibo at Negatibong Epekto ng Telebisyon


                         isinulat ni: Marionne Lizette Aquino

         Ang Telebisyon ay ang pinaka nagagamit na teknolohiya sa panahon ngayon. Ito ay nagsisilbi upang makakalap tayo ng impormasyon galling sa mga balita at nagsisilb ring pang-aliw ang ilang mga palabas sa telebisyon tulad ng Showtime, Family Feud, at Minute to Win It sa ABS-CBN, Eat Bulaga naman sa GMA. Ngunit hindi lamang ito ang mga palabas marami na ring mga istasyon tulad ng mga Matanglawin, TV5, PBO, etc. na nagbabahagi ng mga kaalaman sa mga manonood. 

          Gayunpaman, may mga negatibo at positibong epekto pa rin ang telebisyon sa ting wika at sa ating sarili. Isa na sa mga positibong epekto ng telebisyon sa manonood ay nagkakaroon ng dagdag kaalaman dahil sa bagong bokabularyong naririnig natin sa palabas. Ito ay may  magandang bokabularyo na maaring gamitin sa iba’t ibang pangungusap. Ang isa pang positibong epekto ng wika sa telebisyon ay mga iba’t ibang wika na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang larangan ng tao. Isa na sa mga natutunan natin na wika sa telebisyion ay ang Ingles na isa sa mga midyum na lengwahe na ating ginagamit. Ngunit may mga  negatibo ring epekto ang telebisyon sa manonood tulad ng mga masasamang salita na maari mong sabihin sa kapwa at magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Isa rin sa negatibong epekto nito ay mas nagagamit natin ang wika na natutunan natin sa telebisyon at mas tinatangkilik natin ito. 

         Ang gamit ng wikang Tagalog sa telebisyon ay para mas maintindihan ang mga sinasabi sa palabas sa telebisyon. Ito ay para tukuyin kung ano ipinaparating ng masa sa manonood. Maari man tayong matuto ng iba’ibat lengwahe sa telebisyon ngunit huwag natin kalimutan ang salita nating wika at isa puso ang wikang pambansang nakagisnan.


Ikalawang Kritiko: Pagbabago at Gamit ng Telebisyon sa manonood

                                      isinulat ni; Mikho Lawrence Rodelas



         Nitong dumaan na mga taon, kapansin-pansin na tila ba’y araw araw at tuloy tuloy na ang pag-ulad ng mga teknolohiya hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Bilang bahagi ng lumalago at lumalawak na teknolohiya, kaliwa't kanan ang paglabas ng mga produkto tulad ng mga produkto ng Samsung kung saan mas pinapaganda pa nila ang mga “feature” nito at sa kasalukuyan nailabas na ng Apple Company ang pinakalatest nilang produkto na Iphone 7.

          Sa kasalukuyan, ito na ang mga kagamitang unti-unting pumapalit sa tradisyunal na mga kompyuter na may keyboard, monitor, CPU at mouse. Sa kabila ng lahat ng pagbabagong ito, hindi pa rin nito tuluyang mapapalitan ang telebisyon bilang isang pangunahing paraan ng telekominikasyon. Ang mabilis na paglago ng bokubolaryong Filipino na nagmula sa telebisyon ay bunga narin ng masusing pag-aaral ng mga istasyon hinggil sa mga pang-araw-araw na gawain ng Pilipino.Halimbawa na lamang nito ay ang sunud-sunod na mga balita tungkol sa bigat ng trapiko, kaya'y ulat panahon, presyo ng mga bilihin at ilan pang mga programa na tila ba nakasentro sa mga nanay at mga kasambahay na abalang-abalang naghahanda para sa bagong araw sa mga oras na ito tuwing umaga. Sa tanghali naman, isinasabay sa pagkain ng tanghalian ang mga palabas namay temang variety at talent tulad ng Eat Bulaga, Showtime at ASAP. Kung gabi, na tinatawag ring primetime, ang mga tao ay nakauwi na sa kani-kanilang tahanan, pinapalabas yung mga patok sa masa tulad ng mga balita at sunud-sunod na drama serye na tinatawag saPilipinas na teleserye o teledrama. 

          Mga teleseryeng ating napapanood at mga noon time show kung tawagin ay nagbibigay saya sa atin at dahil sa kasiyahan at tumatataknsa isipan natin ang kanilang mga nagagamit napapaunlad nito ang ating kaalaman sa wika. 



Ikatlong Kritiko: Bagong kaalaman dulot ng Telebisyon


                                isinulat ni: Lyka Lazaro


Unang una sa lahat, sa kapahanunan ngayon kadalasan lahat satin ay nanunuod ng telebisyon kahit saan. Sa bahay, sa labas o kahit saan man. Dahil sa panunuod ng telebisyon marami tayong nalalaman sa mga kasalukuyang nangyayari, mapa loob at labas man ng ating bansa. Binibigyan din tayo nito ng pahapyaw sa mga sikat na kaganapan sa social media.


Panunuod ng telebisyon ang isa sa mga kadalasan nating ginagawa pag-uwi natin sa ating mga tahanan. Kung ano ang ating pinapanuod ay nakakaapekto sa ating isipan dahil hindi natin namamalayan na hinuhugis tayo nito at naiimpluwensyahan. Ika nga na "kung ano ang nakikita mo, siyang makukuha mo." Ngunit hindi lahat ng ating nakikita ay totoo. Dahil sa panahon ngayon madali na lamang gumawa ng kwento. Kung kaya't dahil diyan kailangan natin husgahan kung nararapat ba na panuorin at paniwalaan ang ating mga napapanuod. Malay natin diba? Dahil maaaring tayo ay na-"brainwash" na dulot na din ng maaaring maling pagkakaintindi sa mga naririnig atin galing sa mass media. Dahil diyan dapat natin na alagaan ang mga bata at patnubayan sila habang nanunuod ng telebisyon. Ang mga bata ay wala pang tamang desisyon dahil mang-mang pa sila kaya hindi dapat natin sila iwan sa harap ng telebisyon dahil maaari silang makakita ng mga bagay na hindi pa nila maaaring makita.

Sa panahon ngayon, malaki ang maidudulot ng paggamit natinng telebisyon. Dahil gumagamit ng wika ang telebisyon, dapat lahat ng sasabihin sa mga ipapalabas sa telebisyon ay labis na pinag-isipan sapagkat maaaring makapaghatid ito ng maling impormasyon dulot ng maling paggamit ng wika.

















No comments:

Post a Comment